January 27, 2025

Curfew hours sa Navotas, pinaikli

Pinirmahan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance No. 2021-09 na nagbabago sa curfew hours para sa mga nasa hustong gulang mula 8 p.m.-5 a.m. papauntang 10 p.m.-5 a.m.

Nananatili namang nakataas ang 24-hour curfew para sa mga menor-de-edad upang mapanatili silang ligtas mula sa banta ng COVID-19.

“Nag-iingat po tayo sa pagluwag ng ating mga polisiya dahil ayaw nating lumobo ang ating mga kaso. Ayaw rin nating bumalik pa sa mas mahigpit na quarantine rules. Nais natin ng unti-unti ngunit patuloy na pagluluwag ng mga alituntuning batay sa mga datos ng mga kaso,” ani Tiangco.

Aniya, ang mga residente na wala pang 18 taong gulang, ay kailangang manatili sa bahay, maliban kung kailangan nilang lumabas para sa health o medical reasons. Ito aniya ang paraan upang mapanatili silang ligtas mula sa nakamamatay na sakit.

“Our city’s COVID situation is getting better that is why we can afford to relax some of our policies. We are grateful for the support and cooperation of everyone, especially our frontliners. As we prepare for our vaccination rollout, we call on each and every Navoteño to remain careful and to follow our safety measures,” dagdag ng alkalde.

Hinimok din din ng Punong-Lungsod ang mga residente at naghahanapbuhay sa lungsod na 18-taong-gulang pataas na magrehistro sa COVID-19 vaccination program ng lungsod sa pamamagitan ng pagla-log on sa https://covax.navotas.gov.ph/ o pagbisita sa kanilang barangay para tulungan silang makapagpatala.