DAVAO CITY – Kahit nanatili sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) hanggang Agosto 15, napagpasyahan ng lokal na pamahalaan na tanggalin na ang pagpapatupad sa curfew, food at medicines pass sa Lunes (Agosto 3).
Ayon kay Mayor Inday Sara Duterte, magpapalabas ng Executive Order ang city hall ngayong Lunes para sa mga bagong panuntunan ng lungsod kaugnay ng COVID-19 pandemic.
“We still have a quarantine, meaning they still have to stay at home. And if they go out they have to wear a mask, practice frequent hand washing, and bring alcohol with them. The vulnerable sectors are allowed to go out if necessary and to exercise,” wika ni Mayor Sara.
Ipinaliwanag ng alkalde na nais nitong bigyang-diin ang disiplina at self-regulation sa mga Dabawenyo para sa pagpapabagal ng paglaganap ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon sa kaniya, di sa lahat ng oras ay magbabantay ang pamahalaan sa galaw ng mga tao kaya nais niyang matuto ang mga Dabawenyo na mag-self-regulate sa pamamagitan ng unti-unting pag-luwag ng mga regulasyon sa kabila ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa lungsod.
Kabilang sa probisyon ng Executive order na ipapalabas ngayong Lunes ay ang pagpapahintulot ng mga misa at ibang church services sa Linggo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA