September 8, 2024

CRISTY FERMIN, OGIE DIAZ SINAMPAHAN NG KASO NI BEA ALONZO

TALAGANG palaban na itong si Bea Alonzo, hindi niya talaga inurungan ang mga mapanirang ibinato sa kanya nina Ogie Diaz at Cristy Fermin.

Tatlong kasong criminal case for cyber libel ang ikinaso ni Bea Alonzo, kina Cristy Fermin, Ogie Diaz at sa mga kasamahan nitong online hosts at sa isang online basher na nagpanggap na malapit sa kanya sa Quezon City Prosecutors Office at kasama niya ang kanyang manager na si Shirley Kuan at ang kanyang Atty. na si Joey Garcia.

“Ang nakalahad sa complain affidavit ni Bea, ay biktima siya ng Mali, malisyoso at mapanirang impormasyon na mula sa nagpanggap na malapit sa kanya. Iyon daw ang tinalakay at pinag-usapan sa online show nina Cristy at Ogie.

“Binanggit doon ang hindi tamang pagbabayad ng buwis, at sunod-sunod na paninira sa kanilang columns at mga show ayon kay Bea Alonzo.”

“Paktay, laking gastos ito pag-nagkataon,” lahad pa ni Miss. Bubuwit na aking source.