December 20, 2024

CREATIVE AT SUSTAINABLE “TATAK PINOY” PRODUCTS TAMPOK SA 26TH LIKHA NG CENTRAL LUZON TRADE FAIR

Mandaluyong City, Philippines — Nakatakdang mag-host ang Department of Trade and Industry (DTI) sa ika-26 Likha ng Central Luzon Trade Fair sa Megatrade Hall 2, SM Megamall sa Mandaluyong City, mula Oktubre 16 hanggang 20.

Ang tema ng inaabangang annual event ay ang “Tatak Pinoy! Innovative and Sustainable Products” kung saan ipapakita ang creativity, innovation at sustainability ng mga artisan at entrepreneur sa Central Luzon.


Tampok sa trade fair para sa taong ito ang mga high-quality na produkto mula sa humigit-kumulang 140 micro, small, and medium enterprises (MSMEs), na kumakatawan sa pitong lalawigan ng Central Luzon.

Nakatanggap ng suporta at mentorship ang mga nasabing MSMEs mula sa DTI Region 3 at mga provincial offices nito para matiyak na ang kanilang mga produkto ay makakasunod sa magandang quality at innovation.

Maaring makahanap ang mga visitor ng iba’t ibang produkto tulad ng processed food, furniture at home furnishings, wearables (fashion accessories, Filipiniana, bags, jewelry), gifts at holiday decors, beverages, woodcrafts, at organic at cosmetic products.

Bilang karagdagan sa product showcases, itatampok din sa event ang craft demonstrations, kung saan ang mga artisan ay ie-exhibit ang traditional at modern techniques.  Mayroon ding dedicated coffee at beverage corner will para ma-relax ang mga guest sa mga lokal na mga inumin.

Isa pang highlight sa fair ay ang bagong developed products, packaging at labeling created na binuo sa ilalim ng Shared Service Facility and One Town, One Products Next Gen Program ng DTI. Layon ng inisyatibang ito na tulungan ang MSMEs na makamit ang local at international standards sa sustainability, quality at innovation.

Inorganisa ng DTI-Region 3 at Philexport, nakatanggap ng suporta ang trade fair na ito mula sa Regional Development Council and the Central Luzon Growth Corridor Foundation Inc., kabilang ang lahat ng pitong governor.

“This year’s event underscores Central Luzon’s strong commitment to economic growth through entrepreneurship and creativity,” ayon sa DTI. Ngayon sa ika-26 na taon nito, ang Likha ng Central Luzon Trade Fair ay isa sa pinakamatagal at pinakarespetadong regional trade events. Ito ay nagsisilbing isang mahalagang plataporma para sa mga MSME ng Gitnang Luzon upang i-promote ang kanilang mga produkto sa mga institutional buyer at exporter mula sa Metro Manila at iba pang lalawigan.

Inaanyayahan ang publiko na ipagdiwang ang cultural heritage, pinakamagagandang produkto, at lokal na entrepreneurship ng Central Luzon.