November 24, 2024

CPP-NPA-NDF LEADER NASUKOL SA QUEZON CITY

TIMBOG ang isang lider ng New People’s Army (NPA) ngayong araw sa Maalalahanin St., Teacher’s Village East Quezon City.

Binitbit sa Calinog police station si Adora Faye De Veyra, alyas Boying/Ato/Vida, residente ng Barangay Roosevelt, Tapaz, Capiz na wanted sa loob ng 16 taon sa Iloilo.

Inaresto ng mga tauhan ng Iloilo Police Provincial  Office, Calinog police station at Regional Intelligence Division 6 ang suspek dakong alas-2:40 ng hapon, sa pamamagitan ng arrest warrant dahil sa multiple murders with the use of explosive at multiple frustrated murders, na may criminal case number 06-52230, na nilagdaan ni Judge Guilljie Delfin Lim ng Regional Trial Court (RTC), Branch 22, Iloilo City, na inisyu noong Marso 10, 2006 na walang nirekomendang piyansa.

Ayong kay Calinog Chief, Major Dadjie Delima, ginawa ang krimen sa bayan ng Calinog noong 2005.

Si De Veyra ay ang staff general command ng Communisty Party of the Philippines (CPP)-NPA, daging Deputy Secretary, KR-Panay, dating RED, KR-Panay, at dating Secretary ng Central Front.

Asawa siya ni Jessie Lipura, miyembro ng I Central Committee.

Ayon kay Delima, nakatanggap sila ng mga ulat na nagtatago si De Veyra sa Quezon City. “She was detained in our station and she was under tight watch. She will be remitted to the court to show that she is now in our custody. She was listed as national fugitive,” saad ni Delima.