November 5, 2024

COVID PATIENT NA NAKA-ISOLATE SA BAHAY, PASOK SA BENEFIT PACKAGE NG PHILHEALTH

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ang bagong benefit package na ito para sa mga mild at asymptomatic COVID-19 patients, na naka-home quarantine.

Batay sa PhilHealth Circular No. 2021-0014, ang COVID-19 home isolation benefit package ay magiging alternatibo, para sa mga pasyenteng pasok sa itinakdang “social at clinical criteria” para sa home quarantine, at ayaw na manatili sa mga community isolation unit (CIU) o facility.

Layon nitong suportahan ang medical facilities, upang mas matutukan ang paggagamot sa mga moderate, severe, at critical COVID-19 cases.

Sa ilalim nito, sasagutin ng PhilHealth ang lahat ng identified services na kakailanganin para sa paggamit ng isang confirmed COVID-19 cases, asymptomatic man o mild na nangangailangan ng isolation.

Ayon sa PhilHealth, papayagan sa home isolation services ang claims mula sa mga accredited PhilHealth isolation facilities, infirmaries, mga ospital at konsulta providers na may kumpletong dokumento.

Gayunman, tanging accredited facilities na nasa high-risk areas lamang ang maaaring mag-apply bilang CHIBP provider hanggang katapusan ng taon.