December 25, 2024

COVID-19 vaccine ng Moderna, 94.5% epektibo

INANUNSIYO ngayon ng kompaniyang Moderna na mayroong 94.5% na epektibo ang kanilang bakuna laban sa COVID-19.

Base ito sa lumabas na data sa pinakahuling stage trial ng nasabing vaccine.

Ito na ang pangalawang US company na mayroong 90% effectivity na una ay ang Pfizer Inc.

Magugunitang tiniyak ni US President Donald Trump na bibigyan niya ng emergency authorization ang mga bakuna na gawa ng kanilang bansa sa buwan ng Disyembre para makagawa ng 60 million na mga bakuna.

Sa susunod na taon ay may inaasahan na mayroong mahigit 1 billion doses para sa dalawang vaccine maker para sa 330 million na residente nila.