December 24, 2024

COVID-19 PANDEMIC AABUTIN NG 2 TAON?

UMAASA ang World Health Organization na hindi na umabot pa ng dalawang taon ang coronavirus pandemic –  mas mabilis sa nangyaring Spanish flu.

“We hope to finish this pandemic before less than two years,” sambit ni Tedros Adhanom Ghebreyesus sa mga mamahayag mula sa headquarters ng WHO sa Geneva.

Iginiit pa niya na posibleng masupil ang coronavirus na mas mabilis keysa sa nakamamatay na pandemya noong 1918.

Kung ikukumpara sa nakaraan, mas disadvantage ang mundo ngayon dahil sa “globalization, closeness, connectedness” kung saan kasing bilis ng kidlat ang pagkalat ng coronavirus sa buong mundo,” pag-amin ni Tedros.

Ang tanging adbantahe lamang sa ngayon ng mundo ay ang teknolohiya, aniya.

“By utilizing the available tools to the maximum and hoping that we can have additional tools like vaccines, I think we can finish it in a shorter time than the 1918 flu.”

Halos 800,000 na buhay na ang kinitil ng COVID-19 pandemic at 23 milyon na ang nahawa sa buong mundo, ayon sa tally ng AFP.

Subalit  ang pinakanakamamatay na pademya sa modernong kasaysayan ay ang Spanish flu, na tumapos sa buhay ng 50 milyon katao at 500 milyon ang nahawa sa pagitan ng Pebrero 1918 at Abril 2020.

Limang beses na mas marami ang namatay kung ihahambing sa World War I. Naitala sa United States ang unang biktima ng nakamamatay na virus bago kumalat sa Europe at sa buong mundo.

Ang pandemya ay umabot sa tatlong waves, kung saan marami ang namatay sa second wave na nagsimula noong kalahating buwan ng 1918.

“It took three waves for the disease to infect most of the susceptible individuals,”  ayon kay WHO emergencies chief Michael Ryan.