MAGLALABAS sa susunod na linggo ang Department of Health (DOH) ng paliwanag kaugnay sa pag-uugnay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pagkabaog ng mga lalaki.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay pinag-aaralan na raw ng DOH ang ulat na posibleng magdulot ng pagkabaog sa mga lalaki ang naturang virus.
Aniya nakita raw nila ang naturang artikulo noong nakaraang linggo at ipinagbigay alam na nila ito sa mga eksperto para bigyan sila ng appropriate na paliwanag.
Pero hiling niya na huwag muna agad maniwala ang publiko dito dahil kailangan pa nito ng pag-aaral.
Una rito, pag-aaral ng researchers ng University of Miami sa Florida, ikinumpara dito ang testis tissues mula sa anim na lalaking namatay sa sakit na COVID-19 at tatlong iba pa na namatay sa ibang dahilan.
Tatlo umano sa namatay sa COVID-19 ay nakitaan ng testis damage na maaring makabawas sa abilidad na makapag-produce ng sperm.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA