TUMALON na sa 164,474 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa bagong case bulletin ng Department of Health (DOH).
Batay sa inilabas na data ng ahensya nitong hapon, 91 mula sa 105 na laboratoryo lang ang nag-submit ng report, kaya ang new cases ay umabot sa 3,314.
“Of the 3,314 reported cases today, 2,854 (86%) occurred within the recent 14 days (August 4 – 17, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (1,656 or 58%), Region 4A (672 or 24%) and Region 3 (131 or 5%.)”
Ang bilang ng mga nagpapagaling pa o active cases ay nasa halos 50,000.
Samantala, may 237 pa na nadagdag sa mga numero ng mga gumaling kaya ang total recoveries ay nasa 112,759. May 18 namang nadagdag sa death toll na ngayon ay may total nang 2,681.
“Of the 18 deaths, 4 (22%) in August, 12 (67%) in July, and 2 (11%) in June. Deaths were from Region 4A (5 or 28%), Region 7 (4 or 22%), NCR (4 or 22%), Region 3 (3 or 17%), Region 10 (1 or 6%), and BARMM (1 or 6%).”
Ayon sa DOH, 93 duplicates ang kanilang tinanggal mula sa total case count. Kabilang na dito ang 64 na recoveries at dalawang death cases.
“These numbers undergo constant cleaning and validation.”
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA