December 24, 2024

Councilor Alex Mangasar pinasalamatan ng mga residente ng Brgy 119 sa Caloocan City

Nagpapasalamat ang mga residente ng Brgy 119 sa Caloocan City kay Councilor Alex Mangasar sa pamamahagi ng libreng miryenda na sopas.

Ayon sa Facebook post ni SethMari Thess Torres, kahit papaano ay naibsan ang pagod nila sa paglilinis ng kanilang mga tahanan matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses.

“Mula po sa mga kabarangay ko brgy 119 maraming salamat po ..Godbless!” ayon sa post ng ginang.



“Simple at totoong public servant! Godbless kagawad tess and konsi mangasar,” ayon pa sa post ni Kiko de Leon.

Samantala, habang nanalasa ang bagyo sa Pilipinas, to the rescue naman ang Mangasar Rescue Team upang magbigay ng suporta para sa mga nangangailangan.


Alas-8:00 pa lamang ng umaga kahapon ay naglibot na ang Mangasar Pumper, AVM ambulance at rescue vehicle para sa rescue operation  sa 17 lugar sa area of responsibility ng Caloocan City.