
KULUNGAN ang kinasadlakan ng 44-anyos na contractor matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa 21-anyos na live-in partner ng kanyang anak na lalaki sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Lumabas sa imbestigasyon ng Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), dakong alas-3 ng madaling araw nang hubarin ng suspek ang short ng manugang niya na itinago sa pangalang “Marian” habang natutulog sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay sa Brgy. NBBS Proper subalit, nahuli siya ng kanyang anak na lalaki na live-in partner ng biktima kaya agad itong lumabas.
Nagising ang biktima nang marinig ang komprontasyon sa pagitan ng kanyang live-in partner at ng ama nito kung saan napansin niya na nakababa na ang kanyang short.
Nang tanungin ng biktima ang kanyang live-in partner kung anu ang nangyari ay sinagot siya ng “Hinubaran ka na hindi mo pa alam?”.
Nagpasya ang mag-livein partner na humingi ng tulong sa mga tauhan ng Sub-Station 4 ng Navotas police na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness.
More Stories
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!