KASABAY ng pagbagsak ng ekonomiya. Sadsad ang mga negosyo tangay pati serbisyo.
Naiintindihan po natin ang dilema, mga Cabalen. Malaki ang epekto ng pandemiya pero sana kung itutuloy natin ang negosyo gawin naman nating maayos ang serbisyo.
Paano ba naman dinanas natin ang ala-pandemic service ng Conti’s bakeshop sa SM The Block.
Tanong ko lang, puwede ba mag-operate ang isang kainan ng walang service water? Kung oorder ka ng bottled water ay wala rin? Pero sigurado ang presyo pang-dine in.
Dahil walang service water at wala ding bottled water, nagpabili po tayo sa labas. Ok na sana kaya nang isalba.
Ang matindi pati pagkain tila na-covid na rin dahil sa napakaalat na timpla nito. Si Manager mukhang abala kaya hindi nito nagawang lumapit sa nagko-complaint na customer. Ang sagot baka daw naihalo ng inyong lingkod ang sotanghon sa napakaalat din na button mushroom mula sa putaheng gambas. Susmaryosep sa halip na lumapit deadma si Sir Manager.
Kung papalitan daw panibagong 15 minutes at dahil matagal na usapan sa kusina aabot na ito ng 30 minutes.
Kahit na disappointed dahil ang cravings ay naudlot, ok na din ang palitan. Nakupo! Mga 20 minutos tinanong ko ang waiter para mag-follow up ang sabi akala daw niya cancel na. Sinadya ba ito para buwisitin ako? O baka naman sawa na silang magserbisyo at gusto nang magsara?
Grabe naman Conti’s pinaghintay ninyo ang customer tapos walang dadating?
Kaya pala nakapagtataka kung bakit ipinipilit sa akin na ihain na ang mango bravo na dessert sana.
Dahil sa sobrang asar ko mga Cabalen, pina-take out ko na lamang ang aking mango bravo.
Mga Cabalen, alam ba ninyo kung saan ibinalot ang cake? Sa aluminum foil. Hindi meal box o styro man lamang.
Ang mango bravo naging pango gago. Pasensya na mga Cabalen, pero ito ang serbisyo ngayon ng Conti’s bakeshop.
Alam ba ninyong nabili na ito ng isang malaking gas company mula sa mga tunay na nagmamay-ari nito? Ito kaya ang dahilan ng serbisyong pulpol?
***
Habang tayo mga Cabalen ay naghahanap ng normal na serbisyo sa mga restaurants, niluluto naman ng mga ganid ang pag-aangkinan sa kapangyarihan.
Sa kongreso mukhang kitang-kita na pera at kapangyarihan ang umiiral. Walang konsensiya at walang prinsipyo.
Pansariling kapakanan ang priority at hindi ng taong bayan.
Saan kaya tayo pupulutin ngayon, mga Cabalen? Habang ang mga namumuno ng bansang ito ay walang ginawa kundi ang pagsantalahan ang kabaitan nating mga Pilipino.
Ang pagiging ganid sa kapangyarihan at salapi ang palaging umiiral at tayo mga kababayan ang laging biktima.
Hanggang ngayon walang katiyakan ang ating bukas lalo na ng ating mga anak at kaapu-apuhan.
Sana maawa naman ang mga namumuno at mga TRAPO! Makunsensiya naman kayo!
Magbigay naman kayo ng kaunti man lamang pag-asa sa mga Pilipino.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA