December 24, 2024

CONSUMER WELFARE MONTH, INILUNSAD NG DTI

INILUNSAD ng Department of Trade and Industry (DTI) ang isang buwang selebrasyon ng Consumer Welfare Month (CWM) ngayong Oktubre sa Western Visayas.

Sa ilalim ng temang “Be Smart, Assert Your Consumer Rights!”, ang Kagawaran ay nagplano ng malawak na hanay ng mga aktibidad na naglalayong hikayatin at matuto ang mga mamimili.

Hinikayat ni DTI Region 6 Director Rachel Nufable ang publiko na lumahok upang maipaalam sa kanila ang mga programa ng Departamento sa kapakanan ng mga mamimili. Ang pagdiriwang ay nakabalangkas sa walong fundamental consumer rights, na sa bawat linggo ay nakatuon sa mga partikular na tema.

Ang unang linggo ay pagtugon sa basic needs, choice, at redress, na nagtatatag ng pundasyon para sa consumer empowerment. Pangunahin ang kaligtasan sa ikalawang linggo, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng proteksyon ng consumer.

Samantala, ang ikatlong linggo ay tutuon sa pagtataguyod ng isang malusog na kapaligiran, na iniayon ang mga karapatan ng mamimili sa sustainability.

Information, consumer education at representation naman sa ika-apat na linggo ng aktibidad, na naglalayong lumikha ng mas matalinong at nakatuong mga mamimili. Ang buong buwang pagdiriwang ay nagtatapos sa isang ikalimang linggo na nakatuon sa paghahanda para sa Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa, na kinikilala ang kahalagahan ng kultura ng panahong ito at ang epekto nito sa pag-uugali ng mga mamimili.

Sa huling linggo, magsasagawa ang DTI ng special monitoring activities na nakatuon sa bottled water, mga kandila at bulaklak – essential items para sa pagdiriwang ng UNDAS – upang matiyak na patas ang presyo at kalidad sa panahong ito na mataas ang demand.