Todas ang isang 20-anyos na construction worker matapos magulungan ng isang Isuzu elf close van sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga.
Si Arjay Zyrus Cimanes ng Block 7 Lot 3, Manggahan, Malaria, Caloocan City ay isinugod sa Caloocan Medical Center subalit, binawian din ng buhay sanhi ng tinamong pinsala sa ulo habang ginagamot.
Kusang loob naman na sumuko sa pulisya ang driver ng van na kinilalang si Junjun Tenedero, 46 ng Bernardino St. Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City at nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Sa isinagawang imbestigasyon ni Caloocan Police traffic investigator P/ Cpl. William Ramirez, Jr., sakay ang biktima sa isang Kawasaki Rouser motorcycle habang tinatahak ang kahabaan ng Uyguanco Road, Brgy 187 Sto Nino patungong south na direction dakong alas-6:30 ng umaga nang mawalan siya ng control sa motorsiklo at pagsapit sa harap ng Maximus Pharmacy ay aksidenteng bumagsak sa kalsada.
Tinangka namang iwasan ng driver ng Isuzu van na tinatahak ang opposite direction ang biktima na tumilapon sa kabilang kalsada subalit, nahagip pa rin at nagulungan ng kaliwang gulong sa likuran ng kanyang sasakyan si Cimanes.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA