May 23, 2025

Construction worker, tinarakan ng selosong kapitbahay

SUGATAN ang isang construction worker matapos ng srewdriver ng selosong kapitbahay makaraang paghinala ang suspek na may gusto ang biktima sa kanyang live-in partner sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan dakong alas-10:50 ng umaga nang maganap ang pananaksak ng suspek na si alyas “Pecto” 40, aircon technician ng P. Concepcion St. Brgy. Tugatog sa biktimang si alyas “Erwin”, 42, sa kanilang lugar.

Matapos ang insidente, isinugod ang biktima sa Ospital ng Malabon para magamot ang tinamong saksak sa likod at noo habang pinigilan naman ng ilang kalalakihan ang suspek na inaresto nina P/SSg Joseph Lagutao, P/SSg Jaypee Talay at P/SSg Mark Anthony Petilla ng Malabon Police Sub-Station-2 na rumesponde sa lugar.

Nabawi ng mga pulis sa suspek ang ginamit na screwdriver sa pananaksak habang inilahad naman ng biktima sa pulisya na nagselos aniya sa kanya ang kapitbahay kaya siya pinagsasaksak.

Kasong frustrated homicide at BP 6 o illegal possession of deadly weapon ang kasong isasampa ng pulisya laban sa suspek.