NASABAT sa isang teenager ang mahigit P.1 milyon halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana nang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Lenz Cyber Carandang, 18 ng Phase 4, Brgy. 176.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na habang nagsasagawa foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 10 sa kahabaan ng Parkland, Brgy. 177 dakong alas-11:50 ng gabi nang mapansin nila ang suspek na nagsisigarilyo sa pampublikong lugar na malinaw na paglabag sa ordinansa ng lungsod.
Nang kanilang lapitan upang hingan ng indentification card para isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay itinulak umano ng suspek ang mga pulis saka tumakbo na naging dahilan upang habulin siya hanggang sa makorner at maaresto.
Nang tignan ang laman ng dala niyang isang eco bag ay nadiskubre sa loob ang isang brick ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na isang kilogram at may standard drug price value na P120,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO