SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos sapakin ang isang lineman ng Manila Electric Company (Meralco) sa pag-aakalang kasama siya sa mga puputulan ng kuryente dahil sa iligal na koneksyon sa Caloocan City, kamakalawa ng umaga.
Nahaharap sa kasong slight physical injuries si Alfredo Nandres, 53, construction worker, ng 1442 Dalandan St., Brgy. 177 dahil sa panununtok kay Roldan Monte Jr., 27, ng Villa Encarnacion, Paltok St., Valenzuela City.
Sa imbestigasyon, dakong alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Dalandan St., Barangay 177, Caloocan City.
Nabatid na pinuputol ng biktima ang mga ilegal na koneksyon sa nasabing lugar nang mapadaan ang lasing na suspek at sinuntok ang biktima.
Kaagad namang rumesponde ang escort na parak ng lineman at dinampot ang suspek bago sila kapwa dinala sa East Aveneu Medical Center para sa medical examination.
Kasunod nito ay idiniretso si Nandres sa presinto para sampahan ng mga nasabing kaso.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA