November 24, 2024

CONSTRUCTION NG NAVOTAS CONVENTION CENTER, SINIMULAN

Pinangunahan nina Mayor Toby Tiangco at Cong. John Rey Tiangco ang groundbreaking ceremony ng Navotas Convention Center (NCC) na may isang 3-storey building na may standard-sized basketball court na may 4,225 seating capacity. Kasama rin sa mga pasilidad nito ang 10 function rooms na kayang maglalaman 700 persons, two cafeterias, concession areas, seven offices, at indoor at outdoor parking spaces. (JUVY LUCERO)


NAVOTAS CITY

Nagsimula na ang construction ng Navotas Convention Center (NCC) kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony sa pangunguna nina Mayor Toby Tiangco at Cong. John Rey Tiangco Wednesday.

Ang NCC ay isang 3-storey building na may standard-sized basketball court na may 4,225 seating capacity.

Kasama rin sa mga pasilidad nito ang 10 function rooms na kayang maglalaman 700 persons, two cafeterias, concession areas, seven offices, at indoor at outdoor parking spaces.

“Malaki na ang ipinagbago dito sa C4. Ang Navotas Centennial Park ay basurahan dati at halos walang maniwala na gagawin natin itong park. Kung di lang nagka-pandemic, dapat sinisimulan na rin natin itong pagandahin kaya lang nandoon pa ang ating community isolation facility kaya na-delay ito,” ani Mayor Tiangco sa kanyang talumpati.

“Tuloy-tuloy po ang mga proyekto natin sa ating lungsod para mas mapaangat pa ang buhay ng bawat Navoteño. Nitong nakaraang linggo lang, sinimulan na rin natin ang pagpapaayos sa Navotas Polytechnic College (NPC),” dagdag niya.

Ang NPC, ang nag-iisang tertiary school sa Navotas na malapit nang maging 4-storey building na may 28 classrooms, siyam na laboratoryo, library, gym, medical at dental clinics, at iba pang pasilidad.

Samantala, sinabi naman ni Cong. Tiangco na ang reclaimed site para sa convention center ay nagdagdag ng mahigit isang ektarya ng open space sa lungsod.

“Ilog po ang lugar na ito dati at nagplano tayong maglagay ng dike para maiwasan ang baha tuwing high tide. Tinambakan po ito nang walang ginastos ang ating pamahalaang lungsod kahit piso,” kuwento niya.

“Maliit po ang Navotas at limitado ang ating espasyo kaya natutuwa tayong magkaroon ng dagdag na lampas isang ektarya. Sa pagtatayo ng convention center, magkakaroon na tayo ng venue para sa ating mga seminars, conventions, at iba pang malakihang pagpupulong. Pwede rin itong ipa-renta sa mga pribadong kompanya na nangangailangan ng ganitong pasilidad,” dagdag niya.