Inanunsyo ni Navotas City Congressman John Rey Tiangco na sinimulan na ang construction ng bagong four-story building ng Navotas Polytechnic Collage (NPC) para lalo pang maitaas ang antas ng de-kalidad na edukasyon ng bawat kabataang Navoteño.
Ani Cong. Tiangco, ang bagong pinagandang NPC na may roof deck ay magkakaroon ng 28 classrooms, siyam na laboratories para sa speech, computer at science laboratory, research and publication room, library, audio-visual room, at multi-purpose room.
Magkakaroon din ito ng medical at dental clinic, indoor gymnasium, outdoor sports at activity area na may volleyball at badminton court, indoor at outdoor study areas, canteen, indoor garden at atrium.
Sa part naman ni Mayor Toby Tiangco, sinabi nito na ang NPC na nagging bahagi ng pagtgatapos ng 26 batches ng kabataang Navoteño ay sinumulan ng pagtayuan ng mas malaki at mas modernong estraktura para patuloy na maisulong ang de kalidad na edukasyon.
Dagdag pa ni Mayor Tiangco na pagnatapos ang construction ng NPC ay makakapagbukas pa ng mas maraming libreng kurso para sa mga Navoteño.
“Nagpapasalamat tayo sa DPWH at sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas na naging katuwang po natin sa proyektong ito. Yaman ng Navotas ang kabataang Navoteño kaya hindi tayo titigil sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon sa ating lungsod para masiguro ang kanilang kinabukasan,” pahayag ni Cong. JRT.
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS