December 24, 2024

CONOR MCGREGOR HANDA NA MULING MAKIPAGBASAGAN NG MUKHA

HANDA na muling makipagbasagan ng mukha si mixed martials arts star Conor McGregor matapos nitong ianunsyo ang kanyang pagbabalik sa laban.

Sa kaniyang social media account ay sinabi nitong nakatakda niyang makaharap sa darating na Hunyo 29 si Michael Chandler sa Las Vegas.

Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye nito at sinabi lamang na mayroong 185 pounds ang weight limit ng kanilang laban.

Si Chandler ay patuloy ang pagsasanay para sa laban kay McGregor.

Si McGregor ay mayroong record na 22 panalo at anim na talo kung saan huling lumaban ito noong UFC 264 noong Hulyo 2021 at tinalo siya ni Dustin Poirier sa pamamagitan ng unang round ng technical knockouts. RON TOLENTINO