December 24, 2024

CONOR BENN, PINATAOB SI VARGAS, AMIR KHAN, SUNOD NA GUSTONG MAKALABAN

Pinataob ni Conor Benn (18-0, 12KO’s) si Samuel Vargas (31-7-2, 14KO’s) sa loob lamang 80 seconds.

Gamit ang kanyang matinding bilis at lakas, hindi na nakaporma si Vargas. Wala itong sagot sa pagrapido dito ng mga suntok Benn.

Anupa’t napasandal ito sa ropes habang tinatanggap ang suntok. Dahilan upang itigil ng referee na si Michael Alexander ang laban.

Ang naranasan ni Vargas ay mas malala kaysa sa kanyang mga naranasan sa ibang nakalaban.

Nadaig siya noon ni Errol Spence Jr sa loob ng four rounds. Nilikida naman siya nina Danny Garcia at Vergil Ortiz Jr sa Round 7.

 “Statement made. No one banged him out in one round. Easy. Easy. Give me a proper test,” sabi ni Benn.

Give me Amir Khan. I know he’s busy on reality shows and all that, but listen, if he wants it, he can get it.”

Dagdag pa ni Benn, handa siyang humarap sa mga top dogs. Sa gayun ay masubok niya ang sarili bilang boxer.

Kung kaya, target niyang makaharap si Amir Khan na hindi umupak sa loob ng 2 taon.

Bukod kay Khan, nabanggit din ni Benn sina Sharn Porter at Adrien Broner sa gusto niyang sunod na makalaban.