
BILANG bahagi ng patuloy na pagbibigay ng tulong sa gitna ng COVID-19 pandemic ay personal na binisita ni Congressman Egay Erice ang Barangay 163 sa Caloocan.
Kasama ni Congressman Erice na namahagi ng humanitarian assistance sina Konsehal PJ Malonzo, Konsi Alou Nubla, Kap Nick Repollo, Kap Neng Biagtas, Kap Cenon Mayor, Kap Inar Trinidad, at Kaye Nubla.
Kasama rin sa namahagi ng tulong ang mga KASANGGA at mga kagawad ng Kalookan (KNK).
Idiniin ni Erice ang kahalagahan ng pamamahagi ng tulong lalo pa’t marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho o hanapbuhay dahil sa pandemya. Nagpapasalamat naman ang mga taga-Barangay 163 sa naturang kongresista dahil anila sa maliit na paraan ay nagawang ipadama ni Erice ang pagmamahal sa kanila.
More Stories
CURLEE DISCAYA: ‘₱9.6 bilyon ang pondo, pero Pasig ba talaga ang makikinabang?’
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian