
Inilabas na ng Supreme Court ngayong araw ang resulta ng 2020-21 Bar Examinations, ang kauna-unahang bar exam na ginawa “digitally” dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, chairperson ng Bar exams, na 8,241 ang nakapasa mula sa 11,402 examinees. Ito ay katumbas na 72.28 percent.
Inanunsiyo rin ni Leonen na kinilala ang 14 examinees dahil sa “excellent performance” matapos makakuha ng grades na mas mataas sa 90%.
Ang pinakahuling bar exam ay isinagawa nitong February matapos ang halos dalawang taong paghihintay ng examinees dahil pa rin sa pandemya. (BOY LLAMAS)
More Stories
SENADO NAG-CONVENE BILANG IMPEACHMENT COURT
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms