December 24, 2024

CONG. TIANGCO, SUPORTADO ANG PAGPAPALAWAK NG KADIWA FRANCHISE STORES

NAGPAHAYAG ng suporta si Navotas Representative Toby Tiangco sa plano ng Department of Agriculture na palawakin ang Kadiwa Stores sa pamamagitan ng posibleng franchising dahil sa potensyal nitong hikayatin ang pag-unlad ng MSME sa bansa.

“We are optimistic that if the Department of Agriculture opens the initiative to cooperatives or even small- and medium-scale entrepreneurs, we can expand livelihood opportunities and even create jobs across the country,” aniya.

Sinabi ni Tiangco na ang pagpapalawak ng mga operasyon ng Kadiwa Stores ay maaaring magbigay ng mga pagkakataong pangnegosyo, habang pinapatibay din ang pag-access sa abot-kayang mga pangunahing bilihin.

“With the administration’s direction of improving food production in the country, this approach can provide an end-to-end initiative that can improve food production and sustainability and market access  for goods of Filipino farmers while offering an effective mechanism to mitigate inflation,” dagdag niya.

“I agree with Secretary Tiu Laurel’s statement that when President Bongbong Marcos took on the role of DA Chief at the start of his term, he was able to fully grasp the current situation of agricultural development in the country. This has led to numerous policies and programs which aim to modernize agriculture and improve food sustainability in the country,” sabi pa ni Tiangco.

Ani Tiangco, ang Kadiwa Program ay maaaring maging isa pang haligi ng programa sa pagsugpo sa kahirapan ng administrasyon kung mabubuksan ang franchise program nito sa mga small- and medium-scale entrepreneur.

“Napakalaki ng potential ng Kadiwa program na makapagbigay ng oportunidad na palakasin ang mga MSMEs sa bansa. Mahigit limang milyong trabaho ay nanggagaling sa mga MSMEs. If this initiative is implemented properly, it can create jobs, boost revenues, and more importantly, improve access to affordable commodities,” sabi niya.

“Hindi lang s’ya maganda para sa lokal na ekonomiya, malaking ginhawa s’ya sa mga pamilyang Pilipino na nahihirapan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin,” dagdag niya.

Naniniwala si Rep. Tiangco na sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Tiu-Laurel, ang inisyatiba na ito ay maaaring gawing streamline sa kasalukuyang mga plano ng administrasyon para sa MSME development.

“Nakikita naman natin na buong makinarya ng gobyerno ang pinapagalaw ni President Bongbong pagdating sa mga programang makakapagpaunlad sa mga Pilipino. I am certain that DA, under the Secretary Tiu-Laurel, will be innovative in its implementation of this initiative to ensure it is inclusive and instrumental to our goal of providing opportunities for Filipinos to progress,” ani Tiangco.