January 29, 2025

CONG. TIANGCO, SUPORTADO ANG P500M PONDO NG PNP IT SYSTEMS

TANGGAP ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling maglaan ng P500 milyon mula sa intelligence fund ng Philippine National Police (PNP) upang maibalik ang badyet para sa mga programa nito sa information technology.

“Cyberspace is a rapid changing landscape and we need to ensure that our law enforcement agencies are always up to date,” aniya.

Nagpahayag siya ng buong suporta para sa hakbang na itinataguyod nito ang transparency sa gobyerno habang sinasangkapan ang PNP para labanan ang cybercrimes at tugunan ang mga hamon sa cybersecurity.

“I fully support the president’s decision because it ensures the PNP is prepared to tackle threats like phishing, scams, and identity theft while promoting accountability,” dagdag ni Tiangco.

Sa datos mula sa Social Weather Stations (SWS), binigyang-diin ni Tiangco ang pagkaapurahan ng pagtugon sa cybercrime kung saan 7.2% ng mga pamilyang Pilipino ang naging biktima ng cybercrimes noong Setyembre ng nakaraang taon.

“Maya’t-maya makakarinig ka ng reklamo na na-hack, na-scam, o na-phish. Napapanahon at kailangan talaga nating mag-invest sa IT programs ng ating kapulisan,” paliwanag niya.

Gayundin, idiniin ni Tiangco ang kahalagahan ng pagpapabuti ng sistema ng 911 ng PNP, na sinabi na ang malaking bilang ng mga kahilingan sa emergency hotline ay mga kalokohan.

“Nakakalungkot dahil majority ng tumatawag sa ating 911 centers ay prank calls. Apart from enforcing sanctions and penalties for prank callers, we need a system that deters such actions and ensures faster emergency responses,” sabi niya.

Umaasa siya na ang muling inilaang pondo ay makakatulong sa pagbuo ng Integrated National 911 System upang mapahusay ang emergency services.