SINABI ni Navotas representative Toby Tiangco na ang pagtaas ng medical allowance para sa mga guro ay nagpapatunay sa pangako ng administrasyong Marcos na mapabuti ang kapakanan ng mga educator sa bansa.
“Hindi lang puro pangako. Patunay itong medical allowance na seryoso ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagbibigay ng karampatang benepisyo sa ating mga guro” ani Tiangco.
“This is great news for our teachers and a sign of better things to come for the educatuon sector,” dagdag niya.
Binigyang-diin ni Tiangco ang kahalagahan ng pagsisikap ng administrasyon sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga guro.
“Teachers are part of the backbone of the country. We leave young Filipinos in their care so the state of our public school system is indicative of the future we want to build for the Philippines. With President Bongbong’s firm commitment to education reforms, I believe we’re building a stronger future for the Philippines,” sabi niya.
Idinagdag ni Tiangco na ang administration’s whole-of-government approach in crucial areas tulad ng edukasyon, agrikultura, digital transformation at iba pa ay isang mahalagang elemento sa pagtiyak na ang mga programa ay may kaugnayan at epektibo.
Nauna nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No.64 na magbibigay ng taunang medical allowance na aabot sa 7,000 sa mga empleyado ng gobyerno, kabilang ang mga guro sa pampublikong paaralan.
“The administration is putting money where its mouth is. Ilang buwan pa lang matapos ang SONA ng pangulo, ito na at nararamdaman na ng ating mga guro ang benepisyong pinangako sa kanila,” ani Tiangco.
Nasa 900,000 public school teachers sa buong bansa ang inaasahang makikinabang sa pinakabagong hakbangin ng DepEd.
Bukod sa medical allowance, nakatanggap din ang mga public school teachers ng P5,000 tax-free teaching allowance ngayong school year, at ang halaga ay tataas sa P10,000 simula school year 2025-2026.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA