December 24, 2024

Cong. Tiangco: Online purchasing power ng mga Pinoy, lumakas

NIHAYAG ni Navotas Congressman Toby Tiangco na ang paglakas ng online purchasing power ng mga Pinoy ay bunga ng inilatag na reporma ng administrasyon na layuning palawakin ang digital economy ng bansa.

“President Marcos identified Information Technology as one the key pillars of his administration, and we are now reaping the benefits of this renewed focus on ICT development and digital transformation,” ani Tiangco.

Ayon pa sa kanya, ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr sa ICT at malinaw na layuning maisulong ang digital information sa bansa ang isa lang sa dahilan ng paglakas ng digital economy.

“By improving connectivity, expanding access to the internet, cybersecurity, and streamlining digital technology, the administration has laid the groundwork for digital economies to prosper,” aniya.

Sa pinakahuling ulat ng e-Conomy SEA ng Google, Temasek at Bain & Company lumabas na ang Pilipinas ang may pinakamataas na pag-angat ng Internet economy sa anim na bansa sa Southeast Asia.

Tulad ng datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang sapi ng digital payments ng bansa sa kabuuang transaksiyon sa retail payment ay lumago ng 52.8 porsiyento noong 2023 kumpara sa 42.1 percent noong 2022

“I am confident that these positive trends will continue as the country fully embraces the digital revolution. More importantly, targeted government initiatives will further empower digital economies as drivers of growth,” sabi ng mambabatas.

“We would also like to thank the private sector for their trust and collaboration in the government’s mission to position the Philippines as a major player in the global digital economy,” dagdag niya.

Gayunpaman, hinimok ni Tiangco ang Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission na palakasin pa ang kanilang kampanya para labanan ang cybercrime.