NATURUKAN na si Navotas City Congressman John Rey Tiangco ng kanyang unang dose ng bakuna na Moderna kontra Covid-19 na ginanap sa Tangos National High School bilang bahagi A4 priority group.
Ang Navotas ay may 88.2% vaccine utilization ayon sa Regional Vaccination Operations Center.
Hanggang Hulyo 2, ang lungsod ay nakapagbakuna na nang 117,006 doses ng COVID-19 vaccines. Sa bilang na ito, 87,742 ang unang dose at 29,264 ang ikalawang doses.
Matapos mabakunahan ng unang shot, sinabi ni Tiangco na walang naman siyang nararamdaman na anumang masamang epekto.
Hinimok din ng mambabatas ang mga Navoteño na magparehistro na sa libreng bakuna para proteksyon sa pandemya, sa sarili at sa kanilang mga mahal sa buhay.
Nagpaalala din si Cong. Tiangco na kahit nabakunahan na ay sundin pa rin ang pinaiiral na minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks, face shields, paghuhugas ng kamay gamit at physical distancing.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY