Hinamon ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves ang mamamahayag na si Ben Tulfo na magtuos sila sa ‘Battle of the Youtubers’ (BOTY) upang tuldukan na ang palitan nila ng maaanghang na mensahe sa social media.
Matatandaan na si Cong. Teves ang ama ni dating board member Kurt Matthew Teves na diumano’y nambugbog ng isang gwardiya sa isang subdivision sa Parañaque City.
Hawak ni Tulfo ngayon ang biktima na si Jomar Pajares na nagsampa na ng kaso laban sa anak ng kongresista.
Hindi naman tinigilan ni Tulfo si Teves sa social media at pinakitaan pa ito ng kanyang kaalaman sa mixed martial arts.
Dahil dito ay hinamon na ni Teves si Tulfo na magharap na sila sa ‘Battle of the Youtubers’ kung saan ay naghaharap ang mga sikat na personalidad para mag boxing o mag MMA.
“Kung matapang ka talaga Ben, magharap tayo. Bakit. Bakit nag-iimbita ka na pumunta sa studio mo? Sino ka ba?” ani Teves. “First, you are not part of the Justice system of the Philippines. Wala kang otoridad magpatawag. Hindi ka husgado. Sino ka? ginagamit mo lang yung tao yung mga ganitong kaso para kumita,
“Papapuntahin mo yung anak ko dun polygraph, polygraph oh ganito Ben. Kung talagang matapang ka magkita tayo, tayong dalawa. Tatay sa tatay, sabi mo lalaki sa lalaki. Gusto mo pa doon tayo sa Battle of the Youtubers.” ani Teves.
Sa kanyang artikulo ay tinawag namang “katatawanan” ni Tulfo ang hamon ni Teves.
Mas gusto par in daw ng mamamahayag na sa mismong studio niya sa BITAG ang maging lugar ng pagkikita nilang dalawa.
“Para sa mga uto-uto lamang ‘yan na gustong pagpistahan ang kalokohan mo para makalimutan at malihis ang isyu ng pang-aabuso rito.” ani Tulfo.
Hindi naman naiwasan na pag usapan ng mga nasa likod ng BOTY ang hamon ni Teves kay Tulfo.
Sa ngayon ay hindi pa rin sigurado kung magkikita nga ba ang dalawa sa BOTY.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA