January 13, 2025

CONG EGAY ERICE, NANUMPA SA PARTIDO NI MANILA MAYOR ISKO MORENO

TUMAWID na sa partidong Aksyon Demokratiko ang dating opisyal ng Liberal Party na si Caloocan 2nd District Rep. Egay Erice at anim pang konsehal.

Sa harap ni Aksyon Demokratiko President at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, nanumpa si Erice at anim na konsehal sa Caloocan na ginanap sa Kapetolyo sa Kartilya ng Katipunan ngayong Lunes ng umaga.

Kasama ni Erice sina Caloocan City Councilors Alou Nubla, Christoper Malonzo, Alex Mangasar, Ricardo Bagus, Jacob Cabochan at Russel Ramirez.

“Welcome po kayo sa Aksyon. We can work with anyone, as we have been showing in the City of Manila. Kalaban man o kakampi sa pulitika, kasama namin sa pamamahala,” ayon sa Manila Mayor.

“Natutuwa naman ako, ang Manila at Caloocan ay may kasaysayan na malalim sa lumang panahon ng pag-aalsa ng mamamayan laban sa pananakop ng Kastila,” dagdag niya.

Pinuri naman ni Rep. Erice si Mayor Isko para sa mahusay na pagtugon ng kanyang administrasyon laban sa COVID-19 pandemic, na sinasabing napansin ng mga residente ng Caloocan ang pagsisikap ng Manila City government.

 “Mayor Isko, nasilip ka namin sa Caloocan, natanaw ka namin sa Caloocan, naramdaman ka namin sa Caloocan. Nakita namin ang iyong tatag at tapang. Ngunit, hindi ka naging marahas,” sambit ni Erice.

“Nakita namin kung paano mo pinakain at hindi hinayaang magutom ang milyong mga taga-Maynila. Nakita namin kung paano mo hinanda ang mga pagamutan sa Maynila. Nakita namin kung paano mo pinangalagaan ang edukasyon ng mga taga-Maynila sa kabila ng kahirapan ng pandemya,” dagdag niya.

Sinaksihan naman ang panunumpa nina Aksyon Chairperson Ernes Ramel, VP for Internal Affairs, Manila Vice Mayor Honey Lacuna at VP for External Affairs Atty. Bobbit Roco.

“Aksyon is proud to have Congressman Egay Erice in our growing number of incumbent officials and members nationwide. Cong. Erice has always been an ally of the party in the fight for the many principles that party the stands for, from honest governance, justice and human rights to the closest to our hearts like education, universal healthcare, livelihood and jobs, and housing. His belief and alignment in Bilis Kilos and Aksyon Ngayon are what excite us even more,” ayon kay Chairperson Ramel.

Inihalal si Mayor Isko kamakailan lang bilang Presidente ng Aksyon Demokratiko, na itinatag ng yumaong Senator Raul Roco noong 1997.