SAYANG kapag ang isang tunay at may kakayahang mamuno para sa bayan ay di naipagpatuloy ang kanyang mabuting adhikain dahil sa masamang kultura ng pulitika na dumidiskaril ng mga tamang direksiyon para sa progreso.
Ang maituturing na mabibilang sa daliring tunay na statesman na si Cong. Alan Cayetano ay nagawa niyang maibalik ang respeto ng mamamayan sa Kongreso habang siya ang Speaker of the House kung saan ay lumutang lahat nang magagaling na Mambabatas at ‘no holds barred’ na binusisi ang lahat nang may pagkukulang at pananamantala sa bayan sa aspeto ng serbisyo publiko tulad ng sa kuryente, tubig, telecommunications, broadcast franchise, kalusugan, paggawa, kalikasan at iba pang pangunahing isyu na kapakanan ng mamamayan ang prayoridad sa plenaryo. Partikular din ang kanilang kagitingan sa pakikiisa kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap at pagtugon laban sa krisis pandemya at kalamidad na tumama sa bansa nitong taong 2020 kung saan ay may positibong resulta sa ilang talastasan lamang.At ang laging panalo dito ay ang Sambayanan.
Sa unang pagkakataon ay naungusan ng Mababang Kapulungan (Kongreso)ang Upper Chamber( Senado) sa aspeto ng performance in aid of legislation sa kanyang timon.
Kundi sana dumaan ang isang unos na dulot ng labis na pulitika na dulot ng masamang sistema kung saan ay pinalitan ang Kapitan ng barko sa gitna ng matiwasay na paglalayag ay di sana masusuong sa mapanganib at maalong direksiyon ang institusyon na pinamumunuan ngayon ng isang burgis na SotH na unti- unting lumalabas ang tunay na kulay na may kiling sa iilan sa halip na sa mamamayan.
Piyesta ang mga salot ng lipunan na nais pabagsakin ang pamahalaan sa pagkaluklok sa House of Lord ng alam nilang kakampi nila laban sa nasa poder ng kapangyarihan sa Malacañang.
Pero pansamantala lang ang tuwa dahil di mangingibabaw ang maitim na balak kontra kabutihan. Huwag lang silang kukurap dahil sa iglap ay na kay APC ang last laugh.
One step backward , two steps forward kay Cong. Cayetano. Iyan ang plano ng tunay nating LORD para sa kanya bilang pinuno ng bayan. Mula sa angkan ng politikal icon, ang naging Senador, Kalihim ng Ugnayang Panlabas at House Speker, Statesman Alan Peter Cayetano.. you’re the man.. ABANGAN!
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA