Kakabiba ang ipinamudmod sa community pantry sa Davao City dahil bukod sa mga pagkain, nagpamigay din sila ng libreng contraceptives bilang proteskyon sa pakikipag-sex ngayong may pandemya.
Naging inspirasyon kasi nila ang viral ngayon na community pantry kaya namudmod sila ng libreng condom, lubricants at pills sa Purok 9, Barangay 76-A, Bucana bilang relief goods na naglalayong makatulong sa problema ng tumataas na bilang ng teenage pregnancies, ayon kay Reggie Manginsay, deputy convenor ng transgender ng LGBT Davao City.
Aniya, ang kanilang adbokasiya ay magbigay din ng kamalayan ukol sa STD at HIV-AIDS.
We wanted to [raise] awareness and help prevent STI, HIV and AIDS, and also teenage pregnancies. Importante maging responsible tayo sa lahat ng pagkakataon,” saad niya.
Humihingi rin sila ng suporta sa publiko para mapanatili ang community pantry.
Tumatanggap sila ng mga gamit na plastic bottles na kanilang ibebenta at ibibili ng mga pagkain sa kanilang community pantry.
Inaabisuhan naman nila ang mga tao na kumuha lamang ng tatlong items para mabigyan din ng pagkakataong makakuha ang iba pang nangangailangan.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan