November 5, 2024

‘COMMUTER PANDEMONIUM’ SA PAGBUBUKAS NG KLASE (Babala ni Poe)

NABABAHALA si Senador Grace Poe sa posibleng pagkakaroon ng “commuter pandemonium” sa sandaling hindi payagan ang mga public utility vehicles na regular na makapag-biyahe sa kanilang mga ruta.

Ayon kay Poe, posibleng ganitong gulo ang kaharapin ng mga komyuter kapag nagsimula ang klase sa Agosto, lalo na’t at plano na ng Department of Education na gawing 100 percent ang face-to-face classes.

“There is every reason to listen to the plea to allow more public utility vehicles to return to their routes ahead of the opening of face-to-face classes in August,” ayon kay Poe.

Ito anya ang nakikita niyang solusyon sa sandaling sabay-sabay na maglabasan ang may 28 milyong mag-aaral, na sasamahan pa ng may dalawang milyong manggagawa, sa kalsada para pumasok at umuwi sa kanilang tahanan.

Bagamat may mga bus na idineploy ang pamahalaan, hindi pa rin ito sapat dahil “they run only in main thoroughfares and do not service the secondary roads where residences are usually situated.”

Dahil dito, nanawagan si Poe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na bilisan ang pagdedesisyon na payagan na ang mga PUV na bumiyahe sa kanilang mga regular na ruta.

“By doing so would not only help augment transportation needed by our people, but also provide a source of income to our drivers,” pahayag pa ni Poe.