November 24, 2024

COMMUNITY PANTRY FOUNDER BINANTAANG PAPATAYIN, GAGAHASAIN

Habang papalapit na ang unang monthsary ng community pantry movement, inamin naman ng founder nito na si Ana Patricia “Patreng” Non na patuloy pa rin syang nakakatangap ng death at rape threat.

Maliban sa mga pagbabanta, naha-harass din daw si Ana Patricia Non matapos gamitin ang contact number niya sa online food delivery service.

Truth is umiyak ako kahapon sa pagod, overwhelmed ako,” saad niya. “Di ako makalabas kahapon kasi wala naman akong sasakyan at lalo na wala naman akong security. Hindi ko alam kung worth it ba lumabas para sa photo ops pero kapalit yung safety ko,”  dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Non hihinto muna siya sa mga media interview para makapag-focus sa pantry operations at personal na pangangailangan.

“Reminder lang din na simpleng mamamayan lang po ako. Minsan jologs minsan jejemon. Di politician. At lalong di artista. Focus na lang po tayo sa mga pumipila sa pantry sila naman po ang mahalaga dito. #MulaSaMasaTungoSaMasa,”  aniya.

Bukod sa kanya, pagod at overwhelmed na rin ang kanyang mga kaibigan at pamilya na umalalay sa kanya para i-manage ang pantry. Hindi raw nila inaasahan na lalaki ang kanilang community pantry sa buong bansa na nagbigay ng inspirasyon sa nakararami.

“Nung sinimulan ko ang Community Pantry hindi ko inexpect na maging ganito sya kalaki. At masaya ako kasi dumami talaga ang pantries, na build yung communities natin at may solidarity network na ang cities,” saad niya.

“Pero syempre sa paglawak dumami din yung responsibilities at dahil di ko na kaya mag-isa, tumulong na ang pamilya at mga kaibigan ko,” dagdag pa nito.