COTABATO CITY – Inanunsiyo ng pulisya sa Cotabato na sumuko na ang isang high-ranking communist guerrilla leader.
Ayon kay Maj. Arniel Melocotones, hepe ng pulisya ng bayan ng Makilala, sumuko sa pulisya si Lilia Cagulada Gecena, 63, alyas Commander Ligaya.
Nabatid na si Gecana ay isang ranking leader ng New People’s Army at nahaharap sa kasong multiple murder sa Regional Trial Court Branch 23 sa Kidapawan.
Kasapi si Gecana ng NPA Guerrilla Front 72 at tagapagsalita ng Gabriela sa lalawigan ng Cotabato, ayon kay Melocotones.
Aniya, nakatanggap umano ang warrant officer ng pulisya noong Linggo (Abril 25) ng isang text message mula kay Gecana na handa na itong sumuko.
Kasalukuyang nakakulong sa Makilala police jail facility.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA