
Nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) naa hindi lumabag sa election laws ang incumbent official sa Negoros Oriental na sangkot sa viral video na nagpaulan ng P500 bills sa harap ng maraming tao, ayon sa
“Hindi pa covered ng election laws kung tutuusin,” wika ni Comelec chairman George Garcia sa isang panayam nang tanungin kaugnay sa pamamahagi ng pera ng naturang kandidato.
Idinagdag ni Garcia na hindi pa ito itinuturing ng provincial official na kandidato at ‘aspirant’ lamang dahil hindi pa nagsisimula ang kampanya para sa local elective posts sa Marso 28.
Binanggit din ang desisyon ng Supreme Court o ang tinawag na Peñera Doctrine na nagsasaad na ang isang tao na naghain ng kanyang certificate of candidacy ay itinuturing na kandidato lamang kapag ang panahon ng kampanya ay nagsimula, kaya isinailalim sila sa mga batas sa halalan.
Gayunman, maaari pa rin aniyang magsampa ng reklamo ang mga residente o ang DILG.
“Pwede rin ang DILG (Department of the Interior and Local Government), pwede rin sino mang residente o nakatira o sino mang indibidwal na taga-doon, pwedeng mag-file ng complaint,” saad niya.
“Ang pakiusap natin sa mga botante, na kapag ang mga kumakandidato, incumbent man o hindi, ay ganyan ang pinaggagawa— nasa kanila kung gusto nilang iboto ang ganyang mga tao, na inaabuso ang kahirapan ng ilang mamamayan,” dagdag pa niya niya.
More Stories
IMEE SA HINDI PAGBANGGIT SA KANYA NI BONGBONG SA CAMPAIGN RALLY: ‘TIISAN TAYO’
BATO HINDI PAHUHULI SA ICC
MAGSE-SHARE NG “FAKE NEWS” DAPAT DING MAPARUSAHAN – ERWIN TULFO