Kasado na ang Commision on Elections para sa isasagawang plebesito sa Maguindanao bukas, araw ng Sabado, Setyembre 17, 2022.
Ayon kay Comelec Acting Spokesperson Rex Laudiangco, nakahanda sila para sa plebisito na maghahati ng maguindanao sa dalawang probinsya, ang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.
Sinabi pa ni Laudiangco na may sapat na bilang ang guro na magsisilbing plebiscite committee members kung sakaling ililipat sa ibang puwesto ang pulis personel.
Kaagapay naman ng Comelec ang PNP at Armed Forces of the Philippines sa pagtiyak sa seguridad ng gagawing plebisito.
Inaasahan na ng Comelec na magkakaroon ng 60% voters turnout o kabuuang 818,790 registered voters na Bogota sa 1,669 clustered precincts sa 467 voting centers.
Bukas ang botohan simula 10:00 am ng umaga hanggang 3:00 ng hapon Sa Maguindanao.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA