
IPINAGPATULOY ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta ng mga balota nitong Lunes matapos maantala nang paulit-ulit dahil sa mga huling minutong pagbabago dulot ng desisyon ng Supreme Court (SC).
Sinimulan ng Comelec ang pag-imprenta sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.
Ito na ang ikatlong beses na naantala ang ballot printing.
Noong Enero 14, naglabas ang SC ng temporary restraining order (TRO) pabor kay senatorial aspirant Subair Mustapha.
Nagsimula na ang pag-imprenta ng mahigit anim na milyong balota noong Enero 6, ngunit kinailangan itong sirain ng Comelec dahil wala ang pangalan ni Mustapha sa mga balota.
Dahil sa hakbang na ito, umabot sa P132 milyon ang nawala sa Comelec.
Ang reprinting ng mga balota, na may pangalan ni Mustapha, ay dapat tapos na noong Enero 22.
Ngunit noong Enero 21, naglabas ang SC ng isa pang TRO, na nag-utos sa Comelec na ilagay ang pangalan ni Norman Mangusin (kilala rin bilang Francis Leo Marcos) sa balota
Noong Nobyembre 2024, idineklara ng Comelec si Mangusin bilang isang nuisance candidate. Ito ay isang pagbabago sa kanilang sariling desisyon noong 2021, kung saan pinayagan siyang tumakbo sa halalan noong 2022.
Kailangan isama ang mga pangalan nina Mangsuin at Mustapha sa lattest ballots na dapat ipi-print noong Biyernes.
Gayunpaman, ang pag-atras ni Mangusin ay nagpaliban ng iskedyul ng pag-imprenta ng balota ng ilang araw dahil kailangang gumawa muli ng Comelec ng mga bagong balota na walang kanyang pangalan.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na