November 5, 2024

COMELEC COMMISSIONER GEORGE GARCIA, CSC CHAIR NOGRALES LUSOT NA SA CA

LUMUSOT na sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments (CA) sina Commission on Elections chairperson George Erwin Garcia at Civil Service Commission Chairperson Karlo Nograles.

Inendorso ni Senadora Cynthia Villar, chairperson ng C-A Committee on Constitutional Commissions and Offices sa plenaryo ang  kumpirmasyon ng ad-interim appointment nina Garcia at Nograles.

Naniniwala naman si Senate President Juan Miguel Zubiri na bitbit ni Garcia ang ‘new kind of leadership’ sa COMELEC.

Bilang batikang election lawyer, naging kliyente ni Garcia sina Zubiri,

President Bongbong Marcos, Jr., Sen. Koko Pimentel, Sen. Grace Poe, former Sen. Manny Pacquiao, former Manila Mayor Erap Estrada at former presidential bet Isko Moreno.

Si Atty. Garcia ay dating COMELEC commisisoner at dating Presidente ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Si Garcia ay dating working student, nagtapos ng abogasya at nagturo ng law sa Lyceum of the Philippines.

Samantala, nakumpirma na rin  si Nograles sa makapangyarihang

kumisyon matapos maby-pass noong nakaraang taon.

Nagsilbi si Nograles bilang Secretary to the Cabinet mula  November 2018 hanggang March 2022 at Spokesperson ng IATF on COVID-19 response sa ilalim ng Duterte administration.

Naglingkod din si Nograles bilang Vice-chairperson ng IATF on COVID-19 at Chairperson ng IATF on zero hunger at dating 3-term Congressman ng Davao city.

Sinuportahan din nina Senate President Protempore Loren Legarda, Sen. Imee Marcos, Sen. Bong Go, Sen. Grace Poe, Sen. Jinggoy Estrada, Cong. Jayjay Romualdo at Congwoman Lanie Mercado Revilla ang kumpirmasyon nina Garcia at Nograles.

Ayon kay Legarda, malawak ang karanasan ni Nograles bilang public service kaya naman karapat-dapat syang maging pinuno ng CSC.

Inihayag naman ni Sen. Go na bilib sya sa talino, husay at tunay na lingkod bayan ni Nograles at naniniwala syang magagampanan nito ng buong husay ang kanyang trabaho.

Si Nograles ay awardee ng Order of Lakandula na iginawad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.