Sa isang tabig-ilog sa Brgy. San Jose, Montalban, Rizal e namamayagpag ang COLOR GAMES sa peryahan na pini-FINANCE ng mag-tandem na sina alyas EGAY at ROA.
Habang tuloy ang ligaya ng perya-sugalan nina alyas JOSSIE at WILLY BOMBAY sa Brgy. Borgus sa nasabing ding bayan.
Ang hindi natin maintidihan kung bakit namamayagpag ang mga PERYAHANG ito sa area of responsibility ni Montalban PNP Chief Lt. Col. Arnulfo Selencio.
Tutulog-tulog lang ba ang mga bata ni KERNEL SELENCIO?
Alam ba ni alyas JOEL ang sugal perya na ‘yan?
O ayos na ayos na sila?!
Montalban Mayor Ronnie Evangelista, pakisagot lang po.
***
Sa Angono, Rizal, ipinagyayabang ng gambling operator na si BOY LIFE na tameme sa kanya si Mayor Jeri Mae Calderon.
Hindi raw makaangal si mayor kahit binababoy na ang kanilang bayan dahil halos iba’t ibang uri ng sugal ang gumagana sa loob ng PERYA-SUGALAN.
Ipinagmamalaki ni BOY LIFE na hindi puwedeng umangal si Calderon dahil timbrado na siya.
Hindi natin alam kung saan nanghihiram ng tapang at kapal ng mukha si BOY LIFE, dahil malakas din ang loob nito na kaladkarin si Calabarzon-4A director P/BGen. Kenneth Lucas.
Mukhang “PALYADO” maging ang “No Take Policy” ni Rizal PNP Provincial Director PCol Felipe Maraggun dahil mismong siya ay kayang walanghiyain ni BOY LIFE.
Tsk tsk tsk… ayaw daw ng sugal ng sugal lupa ni Kernel ‘e bakit namamayagpag sa Rizal?!
Pakisilip na rin po ang Brgy. Mambugan sa Antipolo na ang financier ay sina Alex Lopez at Jess Montero, gayundin sa Oliveros Bayan ng mga gambling operator sina alyas Toto at Mang Bert, na ginagamit umano ang pangalan ni Mayor Casimero Ynarres III.
Sa C6 Road sa Brgy. San Juan ay sina alyas Mario at Daisy ang mga kapitalista/operator sa color games at drop balls na walang kapana-panalo ang mga mamananaya. Habang sa Sitio Muzon sa Barangay San Juan pa rin ay sina Daisy at Sengkie pa rin ang may palatag ng sugal lupa. Mayroon din si alyas Elvie sa Taytay Bayan. Isinasangkalan naman ng mga gambling operator na ito ang pangalan ni Taytay Mayor Allan de Leon.
Malakas naman ang perya-sugalan ni alyas Elvira sa Tanay, Rizal na kinakaladkad ang pangalan ni Mayor Rafael Tanjuatco.
Mukhang may pinaghihiraman talaga ng kapal ng mukha ang gambling operators kung bakit napakalakas ng loob nilang gamiting maging ang pangalan ng mga kawawang mayor ng nasabing mga bayan. Dahil ba malalapit na ang kampanyahan at kailangan ng pondo? Araykupo!
Bakit kaya nakakalusot sa Calarbazon PNP ang 1602 na ito? Timbrado na ba kay RD? Kay PD? O kay Hepe?
Gov. Nina Ynares Madam, Vice Gov Reynaldo H. San Juan, Jr. Sir, pakibusisi n’yo nga ‘yang mga PERYA-SUGALAN sa inyong nasasakupan.
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust