NAKASUNGKIT din ng panalo ang Gilas Pilipinas matapos pataubin ang Ukraine 70-61 nitong weekend sa kanilang European buildup sa Kaunas,Lithuania.
Nagsimulang kumawala sa mahigpitang laban ang ating nationals sa pampinaleng quarter sa pinagsanib- puwersa nina Justin Brownlee, Rhenz Abando at Cocolife sports ambassador Kiefer Ravena upang iangat ang Pilipinas sa endgame.
Naging problema ng tropa ni coach Chot Reyes ang malabnaw na opensa sa unang hati matapos na itala lamang ng Gilas ang lowscoring 31 puntos sapat lamang sa ga- buhok nilang kalamangan kontra Ukranians sa halftime.
Tanging sa ikalawang yugto lumarga at umalagwa ang Gilas upang iposte ang 59-50 bentahe at mula doon ay di na lumingon pa ang tropang Gilas hanggang sa final buzzer at wagi ang Pilipinas.
“I was very pleased with how quickly we picked up thr new things that we worked on yesterday in practice but to be honest, although we won this game , I still think there were a lot of defensive lapses.” wika ni Reyes. At dahil di nakalaro sina Gilas frontliners Scottie Thompson at Chris Newsome dahil sa injury ay nag-step up ng husto sina Abando ,Ravena at Brownlee.
Ikinalulugod naman nang husto nina Cocolife top brass Pres. Atty. Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Fanz Joie Araque ang
magandang larong ipinamamalas ni Ravena para sa paghahanda ng Pilipinas sa paparating at ihu-host ng bansa na FIBA World Basketball World Cup.
Una dito ay nabigo ang Gilas Pilipinas kontra Estonia at Finland. (RON TOLENTINO)
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD