November 5, 2024

COASTAL CLEANUP DRIVE NG SMC, UMABOT NA SA BATANGAS

Umabot na sa Calatagan at Balayan sa Batangas ang coastal clean-up drive ng San Miguel Corporation (SMC).

Nasa 1,340 bags na puno ng basura ang unang nakolekta mula sa coastal areas ng dalawang bayan sa limang araw na cleanup effort na kapwa suportado ng SMC at gobyerno sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment.

“We recognize that to be able to help save our waterways from litter, we need to address the issue of pollution at its source. But these cleanups do make a big difference especially in shaping the way people interact with the environment. Also, that one piece of trash we remove means one less litter that could end up in our waterways,” wika ni SMC president and CEO Ramon S. Ang.

Bukod sa mga boluntaryo, naglaan din ang SMC ng cleaning supplies, protective  gear at pagkain para sa mga sumama sa paglilinis. Itinataguyod din ng SMC ang kamalayan sa komunidad na baybayin kaugnay sa wastong pagtatapon ng basura.

Samantala, nangako rin ang SMC na tutulong sa pagpapatayo ng isang Materials Recovery Facility (MRF) para sa limang barangay upang marekober ang recyclable materials at mabawasan ang dami ng basura na napupunta sa mga daluyan ng tubig sa lalawigan.

Nagsasagawa rin ang SMC ng lingguhang clean-up activities sa Isla Pulo sa Navotas kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ang Isla Pulo ay tahanan ng Tanza Marine Tree Park, isang 26-hectare mangrove strip ng isang isla na may 3.5-kilometer shoreline, na nagsisilbi rin bilang natural barriers na poprotekta sa mga kalapit na siyudad mula sa storm surges at coastal erosion.

Idinagdag niya ang coastal clean-up activities sa Batangay ay gagawin linggu-linggo at magkakaroon ng higit na kahalagahan dahil ang katubigan sa Batangas ay malapit sa Verde Island Passage, isang lagusan sa pagitan ng Luzon at Mindoro na kilala rin dahil sa pagiging mayaman nito sa marine biodiversity.

“Keeping plastic waste from our seas and oceans will also protect our source of food and the fishermen who depend on these for their livelihood. In partnership with local and government agencies, we need to continuously educate our coastal communities on the importance of proper waste disposal as well as recycling and upcycling of waste products,” aniya.

Una nang nag-donate ang SMC ng patro boats sa Calatagan community task force o Bantay Dagat, na tumutulong sa pagpapatupad ng coastal at fisheries laws. Nagbigay din ang kumpanya ng mas malaking donasyon ng 19 na bangkang de-motor para magamit ng mga lokal na grupo ng mangingisda para sa kanilang kabuhayan.

Sisimulan din ng SMC ang cleanup at channel improvement project para sa Marilao-Meycauayan-Obando river system (MMORS), isang major component ng flood mitigation initiative nito para sa Bulacan, at Taliptip habang itinatayo ang New Manila International Airport sa bayan ng Bulakan.