IMPRESIBO ang panimula ng coaching career ni ex- pro cager Oscar ‘Biboy’ Simon matapos maitala ng kanyang koponang Philippine Christian University ( PCU) Dolphins ang tatlong sunod na panalo at walang talo sa ongoing men’s basketball tilt ng National Youth Basketball League( NYBL) Ato Badolato Cup na nilalahukan ng mga tanyag na institusyong paaralan sa Metro Manila at karatig.
Si Simon, tubong Sibuyan, Romblon ang isa sa deadliest at lisensyadong shooter dito sa ‘Pinas na kasing -kalibre ang icon na si Allan Caidic gayundin sina Jeff Chan, Renren Ritualo, LA Tenorio, Terrence Romeo, Roger Pogoy, Gary David ,Ranidel de Ocampo, Jayson Castro, Jimmy Alapag at legends nang sina Jimmy Mariano, Jun Papa, Bogs Adonado, Danny Florencio, Atoy Co at Robert Jaworski.
Matindi ang team build-up na binuo ng naging star shooter ng University of Manila sa collegiate, Hapee sa PBL, Laguna Lakers sa MBA at Air 21 sa PBA na si Simon kung saan ay kumpleto rekado mula sa speed, defense, ceiling, discipline at partikular sa shooting department.
Ang kanyang koponang PCU Dolphins ay binubuo nina: Mark Ordonez, Deniro Gamboa, CJ Quinto, Cristian Austria, Lyon Royle, Pellingayon, Leonel Failon, Steve Dino, Jaddio Antonio, Troi Ramos, John Lloyd Balvarin, Christian delos Santos, JV Abella, Edward Seller III, Edward Veloso, Samuel Marcaida, Trizie Yanik, Yam Concepcion at Kristoff Diaz.
‘I wish to continue the winning tradition of PCU Dolphins (NCAA champion). Nagpapasalamat ako sa todo-suporta ng PCU management ,kay athletic director Putli Ijiram and of course kay coach Ato Tolentino na humubog sa aking basketball career mula pa noong unang paglalaro ko sa UM Hawks. Bukod sa NYBL, balak ding lumahok ang tropang Dolphins ni Simon sa PUBL.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?