May ipinag-aalala pa rin si coach Patrick Aquino ng Gilas Pilipinas women’s team. Sasabak ang koponan sa Fiba U16 Women’s Asian Championship Division B. Ngunit, wala pa aniyang napapatunayan ang team.
Bagamat matagumpay na na-sweep ng Gilas ang Group A, hindi dapat magkumpiyansa. Huling nabiktima ng women’s team ang Samoa, 94-65 sa Amman, Jordan.
Nakatakda namang humarap sila sa Kazakhstan sa semifinal. O kaya ang rematch sa Samoa.
“The girls based abroad, they’re in a U16 team so obviously by having their passports at that age; we no longer foresee any problem for them to represent the country in the future.”ani Aquino.
Kabilang sa tinalo ng Gilas women U16 ang Syria, 92-86. Gayundin ang Indonesia sa iskor na 104-68. Nais din ng NU Lady Bulldogs architech na dominahin ang torneo sa Asian tourney.
“All we have right now is a great start. “We’re hoping the team can finish stronger,”dagdag ni Aquino.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2