Nakatakdang pauwiin mula sa Tokyo Olympics ang isang coach ng Team Philippines. Ito’y dahil sa nagpositibo siya sa COVID-19 test result.
Kinumpirma ni POC President Bambol Tolentino ang balitang ito. Aniya, may trangkaso ang isang unindentified coach.
Sumalang din ito sa tatlong COVID-19 tests na ikinasa sa Athletes Village sa Tokyo, Japan. Nakapending ang isang confirmatory result nito. Ayon pa kay Rep. Tolentino, in-isolate na at ihiniwalay ang coach sa team. Sa gayun ay di na makahawa pa at maiwasan ang risks sa mga atleta.
Kapag nakakuha pa ng negative test result ang coach, papauwiin siya sa bansa. Kung nagpositibo naman, ilalagak siya sa quarantine hospital sa Tokyo.
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK