Si TNT coach Chot Reyes na ang titimun sa Gilas Pilipinas matapos bakantehin ito ni Tab Baldwin. Magpo-pokus na kasi si Baldwin sa Ateneo para sa UAAP season 84.
Matapos ang 72 oras, tinawagan si Reyes upang ikasa ang meeting. Aniya, may meeting kasama si chairman Manny Pangilinan. Kasama na rin dito si SBP president Al Panlilio at PBA chairman Ricky Vargas.
“They asked me if I was willing to come back and coach Gilas. I’m just as surprised as anyone. Obviously, I needed time to consult with my family,” ani Reyes.
Tinanggap ni CHot ang duty para sa 2023 FIBA World Cup Window. Kaugnay dito, isasalang ni Reyes ang TNT core para sa FIBA first window Asian Qualifiers. Na bubuslo na sa February 24-28 sa Smart Araneta Coliseum.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2