Nanumpa ang mga bagong opisyal ng gobyerno kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang.
“Ating pormal na itinalaga ang mga indibidwal na ating inatasang maging parte ng iba’t-ibang organisasyon sa loob ng aking opisina. Tiwala at tinitiyak kong sila ay maglilingkod ng tapat para sa ating bansa,” ayon sa post ni Marcos Jr sa Instagram.
Kabilang sa mga nanumpa sa tungkulin ay sina Commission on Audit Chairman Jose Calida, Bases Conversion and Development Authority Chairperson Delfin Lorenzana at Movie and Television Review and Classification Board Chairperson Diorella Sotto-Antonio.
Nanumpa rin kay Marcos Jr. sina Department of Transportation Undersecretary Cesar Chavez, Office of the President (OP) Undersecretary Franz Imperial, OP Undersecretary Gerald Baria, Presidential Management Staff Undersecretary Honey Rose Mercado, Office of the Press Secretary Emerald Ridao, at Social Secretary Bianca Zobel.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE