November 24, 2024

CLOSURE ORDER VS  MEGAWORLD, BINAWI NG BIR

Binawi ng Bureau of Internal Revenue ang ilalabas na closure order laban sa Megaworld Corp.

“The activity tomorrow (May 18, 2022) is being held in abeyance until further notice. Representatives from Megaworld Corporation manifested their full cooperation with all the requirements of the Bureau of Internal Revenue,” ayon kay BIR Regional Director Eduardo Pagulayan Jr.

Una nang naglabas ng advisory ang tax agency na maghahain sila ng closure order laban sa Megaworld bukas, Mayo 18.

Bagama’t walang malinaw na karagdagang detalye, sinabi ni Francisco Canuto, compliance and corporate information officer ng Megaworld, na nakipag-ugnayan na ang firm sa BIR Regional Office, at ang nasabing usapin ay nilinaw at naresolba na.

Dagdag pa niya na patuloy na susuportahan ng Megaworld ang revenue program ng gobyerno.

Tumanggi na ang BIR at Department of Finance na magbigay ng karagdang impormasyon kaugnay sa closure order.

Ang Megaworld ay involve sa real estate development, leasing at marketing mula nang magsimula ito noong 1989, ayon sa business profile nito sa Philippine Stock Exchange. Nang simulang nitong i-develop ang Eastwood City township taong 1996, itinuon na ng kompanya ang pagsu-supply ng office buildings upang suportahan ang business process outsourcing (BPO) business.