PINANGALANAN na ng Department of Health ang apat na ospital para sa gagawing clinical trial sa gamot na Avigan, isang anti-flu drug na mula sa Japan.
Ang nasabing gamot ay pinaniniwalaang makatutulong upang matamot ang mga pasyenteng may corona virus disease o Covidb19.
Ayon kay Health Undersecretary and Spokesperson, Dr. Ma Rosario Vergeire, ang pagdarausan ng clinical trial para sa Avigan ay ant Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital, at Quirino Memorial Medical Center.
Tatagal aniya ng siyam na buwan Avigan clinical trial, na nangangailangan ng 100 pasyente.
Niliwanag ni Vergeire na hindi kuwalipikado sa clinical trial ang may suliranin sa puso.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA